Category Archives: Filipino Tagalog

Mahabang Buhay

Itinataguyod namin ang pananaliksik tungo sa malusog at mahabang buhay para sa buong katauhan sa pamamagitan ng siyentipikong pananaliksik, pampublikong kalusugan, pagtataguyod ng adbokasya at panlipunang pag-aksyon. Bigyang-pansin at isulong ang paglaban na syang dahilan at pumipigil sa malusog at mahabang buhay natin – ang proseso ng pagtanda.

Ang proseso ng pagtanda ay ang ugat ng mga pinaka-malalang sakit na nakakaapekto sa populasyon ng mundo. Ang prosesong ito ay nagiging sanhi ng pinakamalaking kontribusyon ng kapansanan at dami ng namamatay , at kailangang bigyang-pansin nang naaayon. Kailangang mag-alay ng pagsisikap tungo sa paggamot at pagwawasto, tulad sa iba pang mga sakit sa lipunan.